Lahat kami, kundi ma'y karamihan sa amin ang tubong Indang ngunit hindi pa lahat ng mga lugar rito'y amin ng napuntahan. Kaya napagpasyahan ng tropa na libutin ang bayan ng Indang, ang bayan na lubhang mayaman sa kasaysayan.
Bilang pagsisimula ng aming paglilibot, nagkita-kita ang tropa sa plaza sa bayan ng Indang. Dito sa plazang ito nakatayo ang monumento ni Rizal na pinaniniwalaang kasama sa mga pinaglagukan ng Gat noong mga panahong nalagak at nakulong siya sa Indang bago siya ipadala sa Dapitan. Ang monumento ring ito ay napapagitnaan ng lumang munisipyo at ng simbahan.
Ang Simbahan ng san Gregoryo na may disenyo na pang 18th century ay pinaniniwalaan ring pinaglagakan noon nila Bonifacio. Isa rin ito sa mga lugar sa indang na pinakanagpapakita ng kasaysayan ng lugar.Kasabay ng pag-aantay namin na kami ay makumpleto ay marami na rin kaming nakalap na mga bagay sa lugar kasama ang iba't-ibang mamayan at estudyanteng tumulong sa amin.
Kasunod naming tinungo ang Cavite State University. Ang pinaniniwalaang pinakalumang paaralan na itinayo noong 1906 na sinasabing itinayo talaga noong 1904 (base sa mga research at libro tungkol sa kasaysayan ng Indang). Ang unibersidad na ito ay dating tinatawag na Don Severino Agricultural College bilang pagkilala kay Don Severino Delas Alas na dating tumayong Leader sa Indang at siya ring nagtayo ng naturing na Unibersidad.
Sunod naming tinungo ang tirahan ni Bonifacio na makikita sa Limbon kung saan makikita rin ang kanyang Monumento. Dito noon tumira si Bonifacio sa kaniyang pamamalagi sa lugar. Bagama't hindi ganoon nalilinis ang lugar, nanatili itong maayos at makasaysayan.
Sumunod naming tinungo ang mga resort na kilala bilang mga Spring Water Resorts, ang Rio VillaNuevo, Villa Colmenar at Villa Filomena. Tunay ngang ang mga ito ay masayang puntahan ng pamilya upang paliguan dahil maliban sa fresh ang mga tubig, maganda pa ang ambiance ng lugar.
Tumungo kami sa Silan Farm upang bumisita at marami silang tanim na binebenta na paniguradong matatamis.
Bilang huli naming destinasyon, muli kaming nagbalik sa Bayan ng Indang upang puntahan ang tindahan na sikat na sikat sa buong bansa, ang Bahay Kalamay. Ang tindahang ito ay nagtitinda ng Kalamay na niluto ng mga taga bario ng Buna Lejos na matatagpuan rin sa Indang. Kung kayo ay pabalik ng Maynila o sa kung saan man, paniguradong ang mga kalamay na ito ang masarap ipang-uwi at gawing pasalubong dahil tunay na parang matitikman mo ang lasang Indang pagnakakain ka nito.
At dito po nagtatapos ang unang paglibot ng tropa sa Indang. Sa susunod na paglibot namin ay dadalhin na namin kayo sa mas marami pang makasaysayang lugar sa buong Indang at sa susunod, maari na ring sa buong lalawigan ng Kabite. Maraming Salamat sa paglalaan ng oras para sa pagbabasa ng aming blog :)
No comments:
Post a Comment